May 14, 2008 by ganjasinta
Dalawang buwan ring hindi nakapagsulat dito. Kumusta na? Ayos pa ba?
I AM RADIO GAGA
Nakikinig na ako ng radyo sa umaga. Matagal na naming balak bumili ng radyo. Napadpad na nga kami sa Raon at kung saan-saang mall sa lupalop ng Maynila para humanap nito. Sa totoo lang, nahirapan kaming matagpuan ang perfect radio — shempre dapat may AM, maliit at mura. Sa wakas! Pag-uwi ko isang gabi, nadatnan ko na lang si Gregorio KAIDE sa bahay at mula nito nagsimula nang dumami ang kachekahan ko tuwing umaga.

Posted in Uncategorized | 1 Comment »
March 15, 2008 by ganjasinta
Magkikita ba si Jude at Lucy? Magkakabalikan ba sila? Ano ang last Beatles song na patutugtugin sa pelikula?
Hindi ko masasagot ang mga tanong na yan. Walang ending ang Across the Universe. Hindi ito sinadya ng direktor ng pelikula o kung ano pa man. Wala itong ending dahil walang kwenta ang nabili kong “DVD copy.”
Putol ang kopyang nabili ko. Pinacheck ko naman yun sa tindera. Atat lang talaga ako mapanood ito kaya binili ko kahit alam kong medyo mataas ang presyo sa akin ng tindera. Nakakapanghinayang lang talagang panoorin ito sa sine. Isipin mo kulang-kulang P300 ang susunugin namin para lang mag-sine.
Makikipagsapalaran na lang ako sa DVDlandia. Yun nga lang, natiyempuhan ako ng nakakaasar na kopya – walang ending!
Nasapawan tuloy ng kawalan ng ending o pagkabitin ko ang pag-appreciate ko sa buong pelikula. Subukan kong papalitan ng ibang kopya – na may ending, siyempre, at maghahanap na rin ako ng kopya ng soundtrack nito.

Posted in Uncategorized | 2 Comments »
February 29, 2008 by ganjasinta
Bingi talaga si Gloria Arroyo.
Sabi ni Gloria Arroyo, sumisigaw daw ng “I Love You” ang mga taong sumalubong sa kanya.
Ang totoo, ” Ayaw na namin sa’yo! ” at ” Hoy! Baba na you! “ ang sinisigaw ng mga taong sumalubong sa kanya.
Nakabibingi naman ang dumadagundong na sigaw ng 80,000 na mga nagrali sa Ayala : GLORIA, RESIGN!
Kaya huwag ka na magbingi-bingihan Gloria sa sigaw ng taumbayan.
———————-
Pagbaba mo, PAGBABAGO!
Linya ito sa isang speech kanina sa Ayala. Hindi ko matandaan kung sino ang nagsabi nito. Pero pumatok siya sa pandinig ko kanina.
Kailangang matuto tayo sa mga nagdaang people power. Ang pagbabagong gusto natin ngayon ay hindi na lang pagbabago ng presidente. Gusto natin ng makabuluhang pagbabago, mga kongkretong repormang mararanasan ng mga mamamayan.
Pero ang mahalaga sa ngayon ay asikasuhin muna ng taumbayan ang pagpapababa/pagpapatalsik kay Gloria. At mula rito, isulong natin ang makabuluhang pagbabago.

galing sa Inquirer.net ang larawan sa itaas
Posted in Uncategorized | 8 Comments »
February 27, 2008 by ganjasinta
“Ako ang pangulo, wala nang iba.” – Gloria Arroyo.
“ Ikaw ang pangulo na dapat nang bumaba.” – Taumbayan
“Hindi patatawarin ng mundo ang Pilipinas kapag nagkaroon pa ng EDSA 3.” – Malakanyang
“Hindi namin mapapatawad ang aming sarili kapag hindi naganap ang isa pang EDSA para mawala na si Gloria sa Malakanyang.” – Taumbayan
Posted in Uncategorized | 1 Comment »
February 15, 2008 by ganjasinta

Wala si KC sa rali. Hindi mga artista ang sikat dun sa Ayala. Ang winner sa matagumpay na rali ay ang libu-libong taong kumilos para sa katotohanan at panawagang umalis na si GMA sa Malacanang. Sabi ng mga raliyista bago mag-uwian, maghanda pa sa mas malalaking rali sa darating na mga araw.
E bakit naman kasi napasok si KC sa usapan? Ipinalabas na kasi ang Maalaala Mo Kaya episode niya. Bago mapanood ang Bandila para makita ang balita tungkol sa rali, pinanood muna namin ang unang pagdadrama ni KC sa telebisyon.
Hindi namin kami napasigaw ng “Sobra na, Tama na, Palitan na ang channel!”. Bagama’t may ilang beses din kaming sumilip sa katapat na programang Bubble Gang. Kahit kasi sa mga commercial si KC pa rin ang nakikita namin!
Mabilis tumulo ang luha sa mga mata ni KC pero hindi nagsasalita ang mga ito. Hindi malalim ang mga emosyong ipinakita ng panganay ni Ate Shawie. May mga ilang beses ding hysterical siya kasabay pa ang pagsasalita niyang parang may tono. Nagdadrama na siya pero naririnig mo yung narration niya sa mga adventures niya sa Paris sa kanyang TV special.
Pero di hamak namang mas may dating ang pag-arte niya kaysa sa nanay niya doon sa mga unang pelikula nitong Dear Heart o P.S. I Love You. At lalong di hamak na mas maganda ang mukha niya kaysa kay Ate Shawie.
Malamang mataas ang rating ng episode na ito ng Maalala mo Kaya. Marami kasi ang nag-aabang na mapanood ang pag-arte ni KC sa telebisyon. Much-awaited ika nga. Huhusgahan kasi ng mga manonood kung may ibubuga ba ang dalaga ni Ate Shawie sa larangan ng pag-arte. At para sa akin, may potential si KC at dapat abangan ang susunod na mga mangyayari sa kanyang career.
Ganun din ang rali sa Ayala kanina. Unang ratsada pa lang ito. Marami pang mga mangyayari sa susunod na mga araw. Tulad na lang ng Senate hearing sa Lunes. Much-awaited din ang mga malalantad pa tungkol sa maanomalyang ZTE deal. Sa mga darating na araw, lalong mabubuo ang kapasyahan ng taumbayan sa career ni Gloria Macapagal Arroyo bilang presidente. Kaya’t dapat abangan ni Gloria ang papalaking mga rali na magpapabagsak sa kanyang career at magpapatigil sa kanyang pangungarakot sa salapi ng bayan.
Posted in Uncategorized | 1 Comment »
February 14, 2008 by ganjasinta
- 1) Zoon the Truth will Emerge
Sa ngayon, si Jun Lozada ang kumakatawan nito. Naglakas loob siya para ilabas ang mga nalalaman niyang anomalya sa ZTE deal.
Panawagan sa iba pang sangkot at may kaugnayan sa ZTE deal na ito : Lumantad na at sabihin ang katotohanan para sa sambayanan!

2) Zobra na! Tama na! Exit na GLORIA!

Nakasulat ito sa mga banners na dala-dala ng mga nasa rally. Naalala ko nung panahon ni Marcos ang sigaw ay : Sobra na, Tama na, Palitan na! Noong panahon naman ni Erap : Sobra ng pahirap, Patalsikin si Erap!
Napatalsik si Marcos. Napatalsik si Erap!
Kaya…..
- 3) Zama-zama Tayo ulit sa Edsa!
At kahit saan pa – sa Edsa, Ayala o kahit Mendiola pa.
Natatandaan ko yung mga gabing nasa EDSA kami noong 2001. Hindi kami nakaramdam ng pagod. Kahit mahaba ang nilalakad namin, tapos pagdating dun ay ang dami-daming tao, walang pagod na nagaganap. Ang nasa isip lang namin, kailangan dumami pa ang mga tao hanggang bumaba na sa pwesto si Erap.
Kaya hindi tayo dapat mapagod na kumilos. Mas magiging makabuluhan ang katotohanang ibinunyag ni Jun Lozada kung kikilos tayo.

Posted in Uncategorized | 2 Comments »
February 9, 2008 by ganjasinta
Gusto ko ‘to mapanood. Gusto ko ring mapakinggan ang soundtrack. Sana meron na sa Quiapo. Pag nakatyempo kami nito sa DVDlandia, swak na ‘to pang Valentine’s date. hehehe.

Posted in Uncategorized | No Comments »
February 8, 2008 by ganjasinta

Nasubaybayan ko ang testimonya ni Jun Lozada kanina sa Senado. Siya yung star witness dun sa ZTE scandal na sangkot ang malalaking personalidad sa gubyerno tulad nina Abalos, Neri at First Gentleman Mike Arroyo. Tama si Sen. Chiz, credible ang dating ni Lozada. Kahit inungkat pa ni Sen. Miriam ang mga baho niya sa kumpanya — hindi dumaan sa bidding ang mga programs,etc. — nakangiti at kalmado pa rin si Lozada. Pucha, e si Chavit Singson nga, gambling lord na warlord pa, naging whistle blower sa pangungarakot ni Erap at yung testimonya niya ang isa sa mga naging mitsa sa pagdagsa ng taumbayan sa EDSA2!
Walang dudang si Abalos ang nadiin kanina sa testimonya ni Lozada. $130 M ang kickback na tinatrabaho ni Abalos sa ZTE-NBN project. Hindi kasi siya sumunod sa payo ni Lozada na hindi pwede yung ganoong kalaki at masyadong bubukol. O di ano? Hindi lang bukol ang napala ni Chairman. Lagapak siya nang binitawan na siya ng Malacanang. Ang habol na lang naman talaga ng Malacanang ngayon ay makonsentra ang bira kay Abalos at maligtas na ang palasyo lalo na sina FG at GMA.
Kaya lang marumi talagang magtrabaho ang Malacanang. Mga kidnappers, wiretappers, at sinungaling sila! Sasapat na ang testimonya ni Lozada para ipaliwanag ito. Pilit nilang inilalayo ang baho sa Malacanang pero dahil sa bulok at maruruming diskarte nila, sila rin ang nagbabalik ng baho papunta sa palasyo. Hindi ko masisisi si Lozada na maiyak sa gitna ng pagsasalita niya. Ibig sabihin lang nito, kilala niya ang gobyernong kinakalaban niya ngayon. Gobyerno itong kayang lustayin ang kaban ng bayan at kayang takutin, dukutin at patayin ang mga taong hahadlang sa kanilang pagnanakaw at pananatili sa pusisyon para lalo pang makapagnakaw.
Kung ako si Abalos, huwag kang papayag na ikaw lang ang malaglag at mabukulan. Sa pag-alagwa ng mga pangyayari, ang tanging solusyon ng Malacanang para makatakas sa malaking gusot na ito ay isalang ka hanggang sa mapurasahan. Di hamak na mas kaya kang isakripisyo ni GMA kaysa kay FG at lalung-lalo na ang kanyang sarili. Laglagan na ito! Totoong hindi na mabubura ang pagiging “bukol king” ni Abalos pagkatapos ng lahat ng ito. Pero medyo liliit ang bukol kung pipiliin niyang isiwalat ang iba pa nilang naging proyekto ng Malacanang habang siya ang COMELEC Chairman.
Hello Abalos ? Gets mo?

Posted in Uncategorized | 2 Comments »
February 8, 2008 by ganjasinta
Salamat sa pagbisita.
Para ‘yan sa unang bisita ko mula sa wordpress pinoy. Nagregister ako kahapon at nagpost ng message dun sa forum para sa mga baguhan.
Pasok lang. Hindi pa nga lang ako masyado marunong mag-ayos ng blog.
Posted in Uncategorized | 7 Comments »
February 7, 2008 by ganjasinta

Naulinigan ko nung isang araw sa balita na ipinanganak si Jose De Venacia sa year of the rat. Saktong-sakto! Natumbok mo! Hindi lang sa mga tengang dagang taglay niya umeksakto kundi sentro siya ng usap-usapan ngayon. Ang pagkakapatalsik sa kanya bilang House Speaker ang bumulaga sa pagpasok ng Year of the Rat.
Pesteng daga! Sabi ng matatanda, huwag mo raw mumurahin ang mga daga at matalino raw ang mga iyan. Tuso pa nga raw. Ibig sabihin, wag mo silang sasalingin at matinding ganti ang ibabalik nila sa iyo. Lagot ang mga damit mo sa aparador- sisirain ng mga daga kapag minura mo sila. Sabi rin ng matatanda, tiyakin mong mapapatay mo ang daga. Dahil kapag nakawala pa yan at hindi mo natuluyan, lagot ka sa resbak niya.
Matakot si Gloria at ang kanyang pamilya sa pamahiing ito ng matatanda tungkol sa mga daga. Hindi lang kasi mga dagang pesteng tulad ni JDV ang sinaling niya. Para sa maraming taong nabubuhay ngayong parang daga sa hirap ng buhay, isa siyang malaking pesteng dapat nang mawala!
Posted in Uncategorized | No Comments »